Pahayag mula sa San Francisco Public Library
Ang San Francisco Public Library ay nakatayo kasama ang kilusang #BlackLivesMatter at sumusuporta sa lahat ng mga pagsisikap na wakasan ang istruktura, sistematiko at institusyonal na rasismo at hindi pagkakapantay-pantay sa ating mga komunidad.
Para bang hindi pa sapat ang mahirap na pamumuhay habang merong pandemya, ang pagpatay kay George Floyd pagkatapos ng pagpatay kina Ahmaud Arbery at Breonna Taylor, ay naging labis na pasanin, lalo na sa mga balita na ang COVID-19 ay nakaapekto sa mga Aprikanong Amerikano at sa ating lubhang mahinang mga komunidad. Ang aming mga puso ay mabigat at lahat kami ay bahagi ng sakit at trauma na nararanasan ng karamihan sa ating lungsod, sa bansa at sa mundo.
Ang mga pampublikong aklatan ay may natatangi at mahalagang papel na gagampanan sa pagsulong ng katarungan at pagtugon sa mga dibisyon ng lahi. Nangangahulugan ito ng masusing pagtingin sa aming mga serbisyo at pagiging matapat tungkol sa kung paano na ang aming institusyon ay nabigo upang matulungan ang pagsulong ng katarungan ng lahi.
"Ang aming mga itim na kasamahan, kapitbahay at kaibigan ay ginugol ang buong buhay nila na may pagkabalisa at kawalan ng katiyakan habang napakaraming pinuno ang naging tahimik at mapanlinlang" sabi ni Dr. Mary Wardell-Ghirarduzzi, pangulo ng San Francisco Library Commission. "Ngayon na ang oras para ang mga pinuno sa lahat ng dako ay tumayo laban sa rasismo at mangako upang maisiwalat ang kanilang sariling mga pagkiling, maling palagay at laban sa itim na pag-uugali na nagpapatuloy sa istruktura at institusyonal ng rasismo."
Kahit na ang silid-aklatan ay nananatiling sarado, habang pinaplano namin ang muling pagbubukas, sisiguruhin namin na ang aming gawain ay nakasentro sa katarungan ng lahi at ipagpapatuloy ang mga pagsisikap na sinimulan namin sa ilalim ng direksyon ng citywide Office of Racial Equity. Bago ang pagsasara, ang mga kawani ng aklatan ay nagsimula na ng pag-uusap at nagdaos na ng mga pulong para maturuan ang publiko kung paano magkaroon ng makabuluhang pag-uusap tungkol sa lahi. Kami ay nasasabik na muling simulan ang mga ito habang kasabay na ginagawa ang pagsusuri sa aming mga serbisyo at patakaran ng katarungan ng lahi. Samantala, nagbahagi kami ng mga rekomendasyon sa social media upang matulungan ang mga patron na turuan ang kanilang sarili sa mga paksa. Nasa ibaba ang isang listahan para sa inyong kaginhawaan.
Tayong lahat ay may pananagutan sa gawaing ito at umaasa na sasamahan ninyo kami upang tulungan kaming mapagsulong ang dalawampu't unang siglo na aklatan na itinayo sa pagsasama, katarungan at paggalang sa isa't isa.
Mga listahang yaman ng San Francisco Public Library
- Paano Maging isang Antiracist
- Mga Bata na Nagmamalasakit – Mga Batang Gumagawa ng Aksyon
- Higit Pa kaysa sa isang Buwan: Aktibismo
- Pag-unawa sa Structural Racism
- Mahalaga ang Buhay ng mga Itim: SFPL Watch List
- Ligaya sa Itim na Pamilya
- Mga Itim na Kwento: Mga Larawan para sa Mga Bata
- Pulisya, Bilangguan, at Buhay ng mga Batang Itim
Ang San Francisco Public Library ay isa sa higit na mga 164 na panlungsod na aklatan sa buong bansa na nagsasama-sama upang isulong ang lahi at panlipunang katarungan.